Nasa dalawampu't limang (25) kabataang Teduray at Lambangian ang sumailalim sa isang Sining Palihan na pinadaloy ng PETA Lingap Sining na layong mabigyang mukha sa pamamagitan ng Himig-Artistiko, Sining, Indayog at Kuwentuhan (HASIK) ang mga isyung pangkapayapaan na kinakaharap ng mga katutubo...
Sambulawan Kadayangan, SGA-BARMM
11 July 2024
Ang Barangay Sambulawan, Kadayangan SGA ay ilan lamang sa mga lugar sa BARMM na nakaranas nang magkakasabay na epekto ng tagtuyot, paglikas dulot ng kaguluhan at biglaang pagtaas ng tubig-baha. Sa nakalipas na mga linggo, ang humigit-kumulang sa 1,400 pamilya ng barangay..
𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻, 𝗖𝗹𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲, 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆
Cotabato City
15 February 2024
Ngayong araw, nasa 200 kababaihan mula sa Pikit SGA-BARMM ang nagtipon-tipon upang ilatag at ipaabot sa piling mga ahensya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kanilang mga Adyenda sa larangan ng Klima, Kapayapaan at Kaayusang Pampamayanan.
Naging saksi ang Ministry of Public Order and Safety, Ministy of Agriculture and Agrarian Reform, Ministry of Social Services and Development, Ministry of Interior and Local Government at Bangsamoro Women Commission sa asembliyang ito na nagbahagi rin ng mga programa at nakinig sa panawagan ng mga kababaihan. Tumampok sa araw na ito ang mahalagang papel at kontribusyon ng kababaihan sa pagpapanatili ng kaayusang pampamayanan, pagsusulong ng kabuhayan, pagtugon sa kalamidad at pati na sa paglahok sa pamamahala at prosesong pulitikal.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa suporta ng United Nation Development Programme (UNDP), UK Government at Bangsamoro Women Commission - BARMM sa inisyatiba ng Community Organizers Multiversity - CO Multiversity at Oxfam Pilipinas
Pikit, SGA-BARMM
04 February 2024
Bilang tugon sa nagsisimulang epekto ng El Nino na nararamdaman ng mga magsasaka partikular ng mga kababaihan, sinimulan ng Community Organizers Multiversity - CO Multiversity ang pagsasagawa ng paunang mga talakayan ukol sa paghahanda sa magiging epekto nito at ang pagbubuo ng plano kung paano magiging angkop at sumasabay ang paraan sa pagsasaka at paghahalaman.
Nasa 187 kababaihang magsasaka ang naging kalahok sa mga talakayan at pagpaplanong ito na syang naging tagapakinabang din ng mga kagamitan sa pagsasaka at binhing gulay na nagmula sa tulong ng United Nation Development Programme (UNDP).
Nakatanggap din ng mga water storage at wash kit ang mga kababaihang ito bilang dagdag na pagiimbakan ng tubig sa susunod na mga linggo na mararamdaman na ang epekto nito.
Ang gawaing ito ay pinagsumikapang isagawa ng COM, UNDP at Oxfam Pilipinas at sa tulong ng EU Civil Protection & Humanitarian Aid sa ilalim ng SUPREME-BARMM Project.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.