Sambulawan Kadayangan, SGA-BARMM
11 July 2024
Ang Barangay Sambulawan, Kadayangan SGA ay ilan lamang sa mga lugar sa BARMM na nakaranas nang magkakasabay na epekto ng tagtuyot, paglikas dulot ng kaguluhan at biglaang pagtaas ng tubig-baha. Sa nakalipas na mga linggo, ang humigit-kumulang sa 1,400 pamilya ng barangay ay nakaranas ng sunod-sunod na suliraning ito na naging dahilan ng paglikas at kahirapan ng marami. Ang pagkain, tubig, lugar-tulugan at kagamitang pangkalusugan ay sinasabing pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang lumikas lalo na ang hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa evacuation area.
Sa kalagayang ito, ang Community Organizers Multiversity kasama ang Humanity and Inclusion ay nanguna sa pagtugon sa pangangailangan ng 408 pamilya sa pagkain, maliit na halagang panustos sa ibang pangangailangan, gamit sa pagtulog at pansariling kalinisan. Halimbawa na dito si Tatay Gani Butuan, isang senior citizen na nakatira sa Sitio Mangga kasama ng sampu nitong kapamilya. Ayon sa kanya, "𝑵𝒐𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒕𝒖𝒚𝒐𝒕 𝒂𝒚 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒆𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒕𝒂𝒏𝒊𝒎 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒕𝒖𝒎𝒖𝒃𝒐, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒕𝒖𝒎𝒊𝒈𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒊𝒎, 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒕𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒆𝒔𝒆𝒔 𝒖𝒏𝒕𝒊-𝒖𝒏𝒕𝒊 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒎𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔, 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒃𝒊𝒈𝒍𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒈𝒚𝒆𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒈𝒂𝒓 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒏𝒊𝒎 𝒂𝒕 𝒊𝒃𝒂 𝒑𝒂 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒚𝒐𝒑 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒊𝒌𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒑𝒖𝒏𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒅𝒓𝒂𝒔𝒂𝒉. 𝑫𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒖𝒎𝒖𝒉𝒂𝒚, 𝒅𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒆𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘, 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒕𝒓𝒂𝒃𝒂𝒉𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒌𝒘𝒊𝒕𝒂𝒏."
Dagdag pa niya," 𝒏𝒐𝒐𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑬𝒍-𝑵𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒈𝒖𝒍𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒈𝒂𝒓 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒖𝒎𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒏𝒊𝒎 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒔 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒌𝒐𝒕 𝒂𝒕 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒎𝒃𝒂. 𝑺𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒓𝒂𝒏𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒂𝒕 𝒅𝒖𝒎𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝑨𝑪𝑪𝑬𝑺𝑺, 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒊𝒔𝒂𝒔𝒂𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝒊𝒃𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒘𝒆𝒅𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒊𝒏 𝒖𝒍𝒊𝒕."
Ang kuwento ni Tatay Gani ay ilan lamang sa katulad na karanasan sa nagsasabayang epekto ng kalamidad, kaguluhan at paglikas sa Mindanao na binibigyang pansin ng HI at COM.
--------
Ang ACCESS ay sa pagtutulungan ng Humanity & Inclusion - Philippines Community Organizers Multiversity - CO Multiversity CARE Philippines Save the Children Philippines Action Against Hunger Philippines at ng EU Civil Protection & Humanitarian Aid
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.