Cotabato City
29 July 2024
Nasa dalawampu't limang (25) kabataang Teduray at Lambangian ang sumailalim sa isang Sining Palihan na pinadaloy ng PETA Lingap Sining na layong mabigyang mukha sa pamamagitan ng Himig-Artistiko, Sining, Indayog at Kuwentuhan (HASIK) ang mga isyung pangkapayapaan na kinakaharap ng mga katutubo.
Pinatingkad sa HASIK-KETINANEK ang pagtindig ng mga kabataan para sa Fusaka Inged (Lupaing Ninuno), Representasyon, Diskriminasyon at iba pang isyu na nakakaapekto sa kanila.
Ang inisyatibang ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Community Organizers Multiversity - CO Multiversity sa tulong ng Oxfam Pilipinas CARE Philippines at European Commission sa ilalim ng Civil society, women and youth promoting culture of peace in Mindanao, Philippines (BRIDGE) Project.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.