Nagkaroon ng Courtesy Call at Dayalogo ang mga lider ng ULAP Confederation sa NCR-Rizal kasama ang partner NGO na Community Organizers Multiversity - CO Multiversity ...
August 30, 2024 – Ika-10 Anibersaryo ng Alliance of People’s Organizations in Lupang Arenda (APOLA) ...
Press Statement
May 20, 2024
Dumalo ang mga lider at miyembro ng pederasyong “Alliance of People’s Organizations in Lupang Arenda (APOLA)” sa isinagawang pagdinig sa Senado upang hilingin na irekomenda ng Senado na igawad ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang proklamasyon ng Lupang Arenda na matagal nang ipinaglalaban ng mga residente upang matiyak ang seguridad ng mahigit 19,000 pamilyang nakatira dito at maibigay na ang kabuuang Limang (5) ektaryang lupa para sa mga miyembro ng Samahang Masigasig Tapayan Homeowners Association (SAMATHOA) na batay sa updated topographic map ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ay lampas sa 12.5-meter elevation at nangangahulugang ito ay “alienable and disposable”.
“Kinakalampag namin ang ating mga mambabatas na bigyang katarungan ang halos tatlong dekadang pagdurusa ng mga naninirahan sa Lupang Arenda sa pamamagitan ng paggawad ng proklamasyon alinsunod sa Memorandum Circular 157 series of 2008 at panagutin ang mga ahensyang nagpapabaya at nagiging balakid sa mga implementasyon ng Presidential Proclamation”, ayon kay Vicente Barlos, pangulo ng APOLA.
Samantala, ang mga higanteng negosyo at subdivision ay parang mga kabuteng nagsulputan sa mga lote na nakapaligid sa Lupang Arenda tulad ng Greenwoods Subdivision, Asahi Electrical Manufacturing Corp, Jollibee, SHELL at iba pang mga establisyimento, subalit matagal ang proseso sa proklamasyon para sa paninirahan ng mga maralita.
“Hinihiling din namin na magkaroon ng batas na naglalayong ipagbawal ang pagbawi ng mga proklamasyon sapagkat hindi dapat na ito ay binabawi na lamang ng walang sapat na pag-aaral (Complete Staff Work) at konsultasyon sa mga apektadong pamilya”, dagdag pa ni Barlos.
Ipinahayag din ng pederasyon ng Lupang Arenda ang lubos na suporta sa isinagawang Senate hearing sa pamamagitan ng Senate Resolution 900 na ipinanukala ni Senador Imee Marcos, tungkol sa hindi makatarungang pagkakaantala sa pagpapatupad ng proklamasyon ng Lupang Arenda na nakatalaga para sa layuning pabahay ng mga maralitang nakatira dito.
Sa nasabing pagdinig sa Senado, nagbigay suporta ang mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan. Inilahad ni DHSUD Engr. Jesus Figuerez ang mga naganap na series of dialogues ng Pre-proclamation committee na humantong sa pagkakabuo ng Complete Sataff Work (CSW) na sinang-ayunan ng mga miyembro nito.
Ayon kay Ms. Catherine Bueno, kinatawan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), ang Lupang Arenda ay aprobadong mai-proklama para sa mixed-use development kaugnay sa housing flagship program na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH).
Sinang-ayunan nina DHSUD Undersec. Avelino Tolentino, PCUP Commissioner Atty. Andre Niccolo Tayag at Project Development Officer DHSUD Region 4A Joshua Layug ang napapanahong pag proklama sa 91-ha. na lupa sa Lupang Arenda. Ayon kay Layug, walang overlapping sa planong 4PH at 91-hectare land proclamation sa Lupang Arenda.
Napagkasunduan sa pagdinig na magbubuo ng Task Force na kinabibilangan ng mga relevant government agencies upang mapabilis ang proseso ng proklamasyon ng Lupang Arenda, tugon ni Sen. JV Ejercito na gagamitin ang oversight function ng Senado upang masiguro ang pagpapatupad ng napagkaisahang hakbang na isasagawa.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.