Naging panauhin sa pagdiriwang na ito ang mga kinatawan ng iba’t-ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan na kinabibilangan nina DENR A4 Regional Dir. Nilo Tamoria, National Anti-Poverty Commission (NAPC) Sec. Lope B. Santos III, Taytay Mayor Allan Martine De Leon, Taytay Vice-Mayor Pia Cabral, Barangay Captain Arch. LengJoey De Leon, Atty. Michael Manotoc, bilang kinatawan ng Urban Planning, Housing and Resettlement Committee Chairperson Sen. Imee Marcos, Rizal Vice-Governor Reynaldo Juan, Jr, bilang kinatawan ng Kgg. Rizal Governor Nina Ricci Ynarez.
Dinaluhan din ang nasabing okasyon ng mga partner NGOs ng APOLA kabilang ang Community Organizers Multiversity (COM) na pinangunahan ni Exec. Director Luz Malibiran, TAO Pilipinas Exec. Director Arlene Lusterio at Movement for Climate Justice (PMCJ) Legal Counsel Atty. Aaron Pedrosa.
Nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng video ang dating Vice-President Leni Robredo, Saligan representative Atty. JC Tejano at dating DENR Undersec. Benny Antiporda.
Nagpahayag ng suporta, pakikiisa at garantiya ang mga panauhin at kinatawan ng pamahalaan sa usapin ng proklamasyon ng Lupang Arenda, binaggit ni DENR A4 Reg. Director Nilo Tamoria na na-endorso na ng kanyang opisina ang proklamasyon kaya’t kaunting panahon na lang ang hinihintay para sa kasiguraduhan ng paninirahan ng mga residente ng Lupang Arenda.
Nagkaisa naman ang buong samahan ng APOLA na patuloy silang magkakaisa at kikilos upang igiit ang matagal na nilang ipinaglalabang proklamasyon ng Lupang Arenda.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.