1/7
Dumalo sa pagpupulong ng QC Local Housing Board ang iba’t-ibang civil society organizations kabilang ang Community Organizers Multiversity (COM) at partner-community, ULAP-Doña Imelda.
Isa sa mga naging paksa ang planong pabahay para sa mga komunidad ng Barangay Doña Imelda.
Ayon sa Pangulo ng ULAP- Doña Imelda na si Ricky Calinaya, ang 2,610 pamilya na naninirahan dito ay walang kasiguraduhan sa paninirahan at karamihan ay mahigit 3 dekada nang naninirahan sa nasabing lugar. Kaya’t hiling nila sa pamahalaan na mabigyan sila ng kasiguraduhan sa paninirahan, makatao at abot-kayang pabahay.
Inatasan ni Mayor Joy Belmonte na pag-aralan ng City legal department ang best option para sa land conversion ng ULAP Doña Imelda Housing site na ihaharap sa susunod na pulong sa Agosto.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.