June 21, 2024 - Bahanggunihan Lake and River Network General Assembly, Sta. Rosa Laguna Sports Complex
Naglunsad ng Pangkalahatang Asembliya ang Bahanggunihan Lake and River Network, isang alyansang binubuo ng iba’t-ibang samahan at pederasyon ng mga mangingisda/magdaragat, magsasaka, kababaihan, kabataan, at manggagawang pawang naninirahan sa Lawa ng Laguna at mga mamamayan na ang kabuhayan ay may kaugnayan sa ilog, sa tributaryo nito at iba pang anyong tubig.
Ang alyansa ay aktibong kumikilos para itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng Lawa ng Laguna at ng mga mamamayan nito para sa isang maunlad at may kalidad na buhay.
Patuloy ang Bahanggunihan na magsusulong ng maka-kalikasan at makataong agenda at panawagan sa lahat ng nagmamahal at nananalig sa buhay na meron ang Lawa ng Laguna.
Tinalakay dito ang 7-point agenda na binubuo ng Kapaligiran, Biodiversity, Kalusugan at Batayang Serbisyo, Ekonomiya, Pabahay, Edukasyon at Natatanging Isyu ng Kababaihan sa Lakeshore Communities.
Sa huling bahagi ng programa ay nagkaroon ng eleksyon upang ihalal ang mga opisyales na bubuo ng Council of Leaders at ang mga magsisilbi bilang Chairperson, Internal at External Vice-Chairpersons, Secretary General at Treasurer. Pinagpilian din sa mga council of leaders ang mga mamumuno sa mga komite.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.