August 15-17, 2024 – Humanitarian Development Response Training
People’s organizations from various COM partner-communities in Manila, Taytay Rizal (Floodway and Lupang Arenda), Taguig City, Pasig City, Rodriguez Rizal, and Laguna (Biñan, Calamba, Sta. Rosa) participated in the training on humanitarian response.
Patuloy ang pagsubaybay at pagtugon ng CO Multiversity kasama ang iba't ibang ahensya sa ilalim ng SUPREME at ACCESS Consortium sa kalagayan ng mga pamilya na naaapektuhan at lumilikas dahilan sa malawakang pag-ulan at pagbaha sa Central Mindanao...
Sambulawan Kadayangan, SGA-BARMM
11 July 2024
Ang Barangay Sambulawan, Kadayangan SGA ay ilan lamang sa mga lugar sa BARMM na nakaranas nang magkakasabay na epekto ng tagtuyot, paglikas dulot ng kaguluhan at biglaang pagtaas ng tubig-baha. Sa nakalipas na mga linggo, ang humigit-kumulang sa 1,400 pamilya ng barangay..
𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗚𝗧𝗔𝗦: 𝗦𝗮𝗟𝗶 𝗞𝗮!
𝗦𝗮𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻-𝗟𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻
Island Garden City of Samal
26-28 January 2024
Ipinagpatuloy ng Community Organizers Multiversity - CO Multiversity kasama ang Oxfam Pilipinas ang ikatlong kurso ng PAGBAGTAS para sa mga piling lider at organisador ng iba't ibang Pampamayanang Samahan at NGO sa Maguindanao del Sur at del Norte at Sultan Kudarat.
Ang ikatlong pagsasanay na ito na may temang "Gender-Sensitive and Conflict-Responsive Negotiation and Mediation" ay pinadaloy nina Ms. Madett Virola-Gardiola at ng Mediators Network for Sustainable Peace, Inc. Trainer Ms. Tootsie Herrera na naglalayong mas mapahusay pa ang kakayahan ng mga kalahok sa larangan ng pagsasaayos ng mga sigalot at suliraning pampamayanan, at pagpapanatili ng pampamayanang kapayapaan.
Ang gawaing ito ay naisagawa sa ilalim ng Civil Society, Women and Youth Promoting Culture of Peace in Mindanao (BRIDGE) Project kasama ang CARE Philippines at sa suporta ng European Commission.
South Upi, Maguindanao del Sur
16 January 2024
Patuloy ang pag-abot at pangungumusta natin sa mga pamilyang lumikas dahilan sa kaguluhan na kasalukuyan pa ring naninirahan sa Barangay Biarong.
Ngayong araw, nagsagawa naman tayo ng Health Mission kasama ang Ministry of Health - BARMM, RHU-South Upi, LGU South Upi, at Care Channels, Inc. Ang Misyong ito ay natingnan ang kalusugan at nabigyan ng libreng gamot ang 155 indibiduwal at 24 na bata para sa libreng-tuli. Nagsagawa din tayo Psychosocial Support Session (PSS) sa 30 kabataan at kababaihan na nakakaramdam pa rin ng pangamba at pagkatakot sa kanilang kalagayan.
Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ng Community Organizers Multiversity - CO Multiversity at Humanity & Inclusion - Philippines kasama ang CARE Philippines sa ilalim ng ACCESS Project na sinusuportahan ng EU Civil Protection & Humanitarian Aid
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.