𝐏𝐚𝐡𝐚𝐛𝐨𝐥 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧. Noong Sabado, August 10, magkakasama ang ICSI, Community Organizers Multiversity - CO Multiversity (COM), at Urban Poor Associates (UPA) sa paghahatid ng rice packs para sa mga pamilyang miyembro ng Northville 9 Homeowners Association (NV9HOA) sa Calumpit, Bulacan, na naapektuhan ng bahang dala ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina ilang linggo na ang nakaraan.
Salamat sa Partnership of Philippine Support Service Agencies (PHILSSA)—kung saan kasapi ang ICSI, COM, at UPA—at sa mga donor na nag-ambag para sa pagbili ng 240 rice packs. Salamat din sa mga officers at volunteers ng NV9HOA para sa pagtitiyak na maayos at mabilis ang pamamahagi ng rice packs.
Malaki ang pasasalamat ng mga nakatanggap, kabilang ang ilang hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha ang kanilang kalsada sa pabahay na ito na itinayo ng National Housing Authority (NHA). Isa lang ang Northville 9 sa mga pabahay ng gobyernong lantad sa panganib ng baha.
Larawan: UPA at COM.
Copyright © 2024 COMULTIVERSITY - All Rights Reserved.
Powered by GoDaddy
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.