Let's make our community a better place!
April 20,2023 - Community Organizers Multiversity (COM) joined the call of various NGOs, people's organizations and church groups for the government to declare climate emergency and respond to the issues that aggravate climate crisis.
The group urged the government to halt the use of fossil fuel and coal that cause environmental destruction, human suffering and further global warming and to transition to renewable, low-cost and clean energy
Pikit, SGA
11 April 2023
Sa nakalipas na araw, aktibong nakilahok ang 81 mga lider ng Pamahalaang barangay at kinatawan ng sektor ng mga Barangay ng Buliok, Bagoinged at Manaulanan sa isinagawang Barangay-Level Hazards and Vulnerability Assessment na pinadaloy ng Community Organizers Multiversity sa Mindanaw.
Layunin ng gawaing ito na sama-samang masuri ng pamayanan ang iba't ibang mga banta at panganib na kanilang kinakaharap na maaaring magbunga ng pinsala sa lugar. Pangunahin sa sinuri ang banta ng malawakang pagbaha at kaguluhan na nagdudulot ng paglikas, gayundin ang lawak at lakas na nagiging epekto nito.
Ang gawaing ito ay sa ilalim ng SUPREME BARMM Project na sinusuporthan ng EU Civil Protection & Humanitarian Aid at Oxfam Pilipinas kasama ang Humanity & Inclusion - Philippines
Panukulan, Quezon
11 March 2023
Bilang bahagi ng pagtugon sa naapektuhan ng bagyong Karding (STY Noru) nuong nakaraang taon, nagbalik ang COM kasama Oxfam sa bayan ng Panukulan at nagpaabot ng Multi-Purpose Cash Assistance na halagang P3,000 sa 791 pamilya ng barangay Pandan, Matangcap, Kinalagti, Pag-itan at San Juan.
Ang cash assistance ay maaaring gamitin ng mga pamilya bilang pandagdag na panustos sa kanilang kagyat na pangangailangan lalong higit sa mga nasira dulot ng bagyo. Karamihan sa natulungan ay mga maliliit na mangigisda at magniniyog na ang kabuhayanbay lubhang nasira ng bagyo.
Ang suportang ito ay mula sa Canadian Humanitarian Assistance Fund at ng Humanitarian Coalition at Oxfam Pilipinas .
We are dedicated to improving the lives of those in our community. Your contribution today helps us make a difference.
comultiversity
Copyright © 2024 comultiversity - All Rights Reserved.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.